Wednesday , March 22 2023
Home / Uncategorized / 10 Tips para sa Ligtas na Pagbo-boating

10 Tips para sa Ligtas na Pagbo-boating

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share


Nasa 125 na Canadians ang nalulunod sa mga boating incident kada taon. Higit sa 80 porsyento ay mga lalaki. Higit sa 80 porsyento ay hindi nakasuot ng life jacket. Sa daan, nagsusuot ka ng seat belt dahil alam mo na wala kang oras na isuot ito kapag nagka-aksidente. Kapag nasa tubig, ganito rin ang isipin mo tungkol sa mga life jacket. Hindi ito gagana kung hindi mo ito isusuot.

1. Ang malamig na tubig ay nakamamatay. Maghanda sa shock ng malamig na tubig – laging magsuot ng life jacket.

2. Ang pagbo-boating habang nakainom ay labag sa batas. Huwag magdala ng bote ng alkohol.

3. I-tsek ang lagay ng panahon bago ka lumabas. Bumalik sa pampang o beach kapag sumasama ang panahon.

4. Responsableng magpatakbo ng powerboat – huwag magpabilis ng takbo malapit sa pampang o beach at magpabagal kapag maalon ang tubig.

5. Manatiling nakaupo! Maaaring madali kang malaglag mula sa isang powerboat, canoe o kayak.

6. Magkarga ng sapat lang na gamit sa iyong bangka o vessel. Ang hindi balanse o mabigat na bangka ay maaaring pasukin ng tubig o tumaob.

7. Maging handa. Siguraduhin na ang iyong bangka o vessel ay mayroong required safety gear at may sapat na gasolina.

8. Magdala ng isang VHF radio o cell phone kung sakaling kailanganin mong humingi ng tulong.

9. Laging ipaalam sa isang kakilala kung saan ka pupunta, kalian ka babalik at sino ang tatawagan kapag hindi ka nakabalik sa oras.

10. Kumuha ng pagsasanay. Masaya at madali ang mag-boating kung alam mo kung ano ang gagawin.

Media Contacts:
Trevor Wang
Focus Communications Inc.
905-305- 0308 ext. 212
[email protected]

Katreena Huang
Focus Communications Inc.
905-305- 0308 ext. 211
[email protected]

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

About KaySS

A Torontonian A Foodie A Heavy social media user

Check Also

Sample Canadian Resume