Dahil may nagbigay ng mensahe sa aking facebook page at nagustuhan niya ang article ko na Story of Evolution: Boy Labo to Boy Linaw to Boy Ligaw to Boy Friend, nakaisip ulit ako ng isang topic na makaka-relate ang 7 out of 10 Filipinos. LOL! π
Ayon sa masusing pag-aaral ni Doctor Eamer (ako iyon!), may pitong antas o level ng pagiging single. Babala: Napakasusing pag-aaral ang ginawa dito kaya hindi pumayag ang mga sources na makilala sila sa publiko. Ang pag-aaral na ito ay still on-going. Chos!
Level 1 – Kunwari Single
Sila ang mga taong makakita lang ng guwapo o maganda ay bigla na lang nagiging single. Hindi lang kasama ang boyfriend o girlfriend, single na! Babala: Mag-ingat sa kanila! Naglipana sila sa Metro Manila pero may ilan din sa Laguna. Huwag magpaloko. Maging alerto, bente kwatro! π
Level 2 – Single as of Yesterday
Nakikidalamhati po ako sa hiwalayang naganap sa inyo ng boyfriend o girlfriend mo. Kung sa tingin mo ay worth it pa na ipaglaban ang relasyon ninyo, go on!Β Fight for it! Pero kung alam mo naman na wala na sa katuwiran o hindi na ito kaaya-aya, better let go. But pray for it. Kung mas makakabuti na single ka muna, then stay single. Magpaka-busy ka muna. Magbasa ng mga libro. Puwede mo tingnan ang mga for sale na second hand books dito.
Level 3 – Single the Explorer
Ito ang level na masasabi kong personal na desisyon ng tao. Pinili nila ito. Sila ang mga taong isinantabi muna ang lovelife. Sila ang mga taong excited magbakasyon lagi. Punta dito, punta doon. Gala dito, gala doon. Travel dito, travel doon. Sila din ang mga taong inaasam ang corporate ladder. Promotion muna ang pinagkakaabalahan. Madami pa silang gustong gawin na magagawa lang nila kung single sila. Ang paborito nilang hashtag ay #singlepamore π
Level 4 – Waiting Single
Ito ang level kung saan lagi silang nakatingin sa kalendaryo. Nasaan na si The One? Anong petsa na! Kung lalaki ka, aba ay mag the moves na. Kung babae ka naman, proceed to level 5. π
Level 5 – Praying Single
Marami akong alam na personal na kuwento na magpapatunay na mabisa ang panalangin. Tiwala lang kapatid. Darating din siya.Β Everything is possible for one who believes (Mark 9:23).
Level 6 – Happy Single
Masaya sila. Bakit, wala ba silang karapatan na maging masaya? π Kuntento sila kung ano ang mayroon sila. Madami naman silang volunteer works o charity na sinusuportahan. Ang iba naman nagpapaaral ng kapatid o mga kamag-anak. May ilan na pinasok naman ang pulitika. Di ba Mr. President? π Gusto ko tuloy makapanayam si Honorable PNoy ukol sa mga pananaw niya sa love and relationships. #NasaanAngPangulo? Nasa puso mo. π
Level 7 – Definitely Single
Ito ang pinakamataas na level ng pagiging single. Kung may Definitely Filipino na website, may definitely single din. Pero wala pa nga lang website. Tara gawan natin! π Sila ang mga tinatawag ko na may gift of celibacy. Madalas, may pinagkakaabalahan sila. May nagkuwento sa akin na marami sa mga definitely single ay magaling magluto. Doon sila abala. Sabi nila ang paborito nilang puntahan naΒ recipe websiteΒ ay www.panlasangpinoyrecipes.com π Sobrang madali daw matuto magluto dahil doon. Masasarap pa ang mga putahe. Paid advertisement. Lol!
So ano? Level ano ka na? π Ako kasi Gameover na. <3 Happy Valentines!
PS: Para sa free (or paid) advertisement, mag-iwan lang ng mensahe sa [email protected]Β π
Photo Credits (here)