Home / Immigrant Story / After 3 weeks in Canada, babalik na ako sa Dubai – An Immigrant’s Perspective

After 3 weeks in Canada, babalik na ako sa Dubai – An Immigrant’s Perspective

We landed in Toronto. Thru our friends nakarating kami sa Montreal saka Ottawa. Pinaka gusto namin mag-asawa ay Ottawa, saka mas mura daw ang cost of living, saka house dun kesa sa Toronto, at marami pang saka, pero kailangan daw  bilingual means we need to know French din kase malapit na sya sa Montreal na mostly french speakers.

Maganda ang Canada, Pang Instagram ang mga lugar. Malamig ang +10, sanay kami sa middle East. Kaya madami kami layers sa damit, underlayers. Pero pag nasanay ka na, pag 0 na temperature daw, people in Canada are so happy. Dahil first timer, excited makakita Ng snow, and di naman ako nadisappoint. Snow pala is so soft not ice as I though initially. Kami Lang ata nag eenjoy sa snow kc first timers pero Sabi nila, you will hated it soon. Picture dito, picture dun. Video dyan, video neto. 5 times kung mag-upload sa facebook. Pagbigyan na, first time e. Malinis ang mga kalye, may mga basement mga bahay. Dun kami sa basement tumira, malamig pero tolerable naman, enjoy anak ko sa stairs. Dito you need to segregate waste, iba sa recycle, iba sa tirang food or organics, saka Iba sa General waste. If di ka susunod, the Garbage collector will not pick up your waste at bigyan ka pa Ng love letter.

Madaming parks sa Toronto, and I bet sa ibang places din. I enjoyed walking sa area, kahit kalbo mga puno, maganda pa rin. Tahimik ang area sa Toronto, may mga mall, simple nga Lang unlike sa Dubai, not comparable. Maganda pa nga SM Bacoor kesa sa Dufferin Mall sa Toronto na lagi namin pinupuntahan. People are polite, pag nag ask ka, they will reply to your questions at may kasamang SORRY. Pag nalaman nila na new immigrant ka, they all say welcome to Canada, Sorry!. Pag lumalabas kami, like sa restaurant I found it very expensive, kc may 10 to 20% tip ka na, minsan walang option na wala o di ko lang alam. Lahat Ng bagat may 13% tax ( sa Montreal mas mataas Tax nila kesa Toronto). Kaya minsan maigi pa magluto saka kumain sa fast food. Meron walmart saka ibang murang no frills, may mga sales naman saka may Costco dito wholesale, kaso tatlo palang kami at may membership fee, parang Puregold.

Houses in Toronto are so expensive, mga house prices makikita you 500,000 (bihira) common is 700k+++.Kung mag mortgage ka sa edad namin if kukuha kami for 25++yrs to pay, aba 65 nagbabayad pa ako kami mortgage. So, we are aiming sa Ottawa, mura daw or sa ibang province. You need to think long term talaga, need proper planning.

Sa loob Ng 3 weeks, naghanap si hubby Ng work, he submitted resume everyday, out of those 1 Lang nag call for phone interview then ala na.  Most of the online application ask nila, if you are authorized to work in Canada, Kaya naisip ko, pag visit visa most likely talaga ignore ka Ng mga employer. We check also the salary sa mga post, dahil may tax, di hamak na malaki kikitain sa Dubai. Madami ka makikita survival jobs dito, dami namin nakita hiring sa Tim hortons, hiring sa restaurant, sa sales nakasabit Lang sa pinto, so di ka ma zezero, Yun Lang minimum pay na 14cad per hour. Bi weekly sahod D2 not monthly like dubai.

Sa resume, you need to focus on your achievements part, para madali ka daw makapagwork, tapos, try to use recruitment saka mga govt funded agency to assist you.we haven’t tried Kasi we are not migrating yet. Pagbalik nalang.

Open kami bangko, mas mataas interest, saka Sabi bank, if I withdraw sa atm Ng iba, charge ako ni bank kung San ako nag withdraw saka charge din me Ng bank ko mismo, so double charge. May monthly fee pag nagmaintain ka Ng chequing account pero nawaived naman if you meet certain requirements like minimum balance. Savings account, makikita you interest earn and interest expense may tax ata.

Sa sahod, heto hinihintay nyo no? Calculate namin na any laki Ng share Ng house rent, utilities, insurance, etc sa salary dito compare sa existing sahod namin sa Dubai. Now I understand bakit minsan sabi nila most Canadians are pay check to pay check pero at least free education sa mga bata at free healthcare. Pag may sakit ka, di ka tatangihan, I-try ka nila I-survived Sabi nga Ng mga pinoy dito. Pero Mahal naman mamatay, Kaya you need to pay insurance too to pay for your burial on top of that,dapat may last will and testament ka Kasi Hindi automatic mapupunta sa surviving spouse and children ang kayamanan you, ilalaban pa sa court so better have this will ika nga. Ayaw ko nga pag-usapan yan pero siningit nila. hihi

Mahal air ticket papunta sa ibang provinces, pero pwede ka mag long drive at first stop ay Tim Hortons dapat. Insurance is paid by each driver daw, so if dalawa driver dalawa insurance kahit isang car lang. Bili ka din daw Ng dashcam Kasi may mga bigla nalang babanga sa car you, para makakuha Ng insurance, mautak di ba, so ingat din.

Vacation days dito is range from 2 weeks daw, if sanay ka sa middle East na 1 month, baka ma miss you Yun idea Ng 1 month vacation. Ala din dito travel allowance kc nga di ka expat dito. Pero may bonus, may retirement deductions pwede ka din add my retirement savings mo, employer will give additional 20% of your contribution, Sayang din Yun. Sabi nila, existing pension is 1200cad, plus plus if may retirement savings plan ka so be wais while working.

Sa bata, may child benefit, open ka Ng Educational savings plan which government will give extra 20% maximum 2500cad a year para sa bata, pwedeng negosyo no? just kidding! Mahal Colleges dito. Dapat enrol anak u sa college University or trade school para makuha ang grant. Dito ang mga bata, 4/5years old pa Lang, independent na, marunong na magsuot Ng mga jackets nila saka shoes, baka nga marunong Ng maligo magisa saka mag punas Ng sarili. Sa anak ko na pa baby pa, kc laki sa nanny, need ko pa I-train. Ala pala bidet dito, tissue gamit, so have your own portable bidet or pakabit ka sa house if sanay ka dito. Sa pinas, luxury and tissue, dito naman, necessity.

Pag nagwork ka na sa company, tapos na terminate ka, Basta na meet you criteria, makakareceived ka Ng 60% of your salary for 1 yr from date of termination per taxable pa rin ito. Same sa maternity, may 18 months 60% paid na pwede I share sa husband so pwede si misis 1 yr so husband 8months. Di ka nila materminate if your on holidays maternity ganun daw.

Di ka takot magresign dito kc di katulad Ng Dubai, you need work to stay in the country. Sabi nga nila dito, magresign ka ngayon, bukas may trabaho kana, un nga lang, basta wag mapili.

If your like me, nagpapadala sa pinas monthly, pag sa Canada na kami, I find it hard na ma meet ko Yung existing na pinapadala ko. Need ko at mag double job, or triple para makapagpadala ng at least 1,000 cad sa Pinas especially if may paaral ka at may sakit Kang magulang, mahirap talaga.

If you are already stable sa country where you are currently living at nagmigrate ka, don’t think of the past, Kasi iiyak ka sa lungkot, dito matututo ka na maging simple, be content ganun. Be wise sa expenditures you, sa Dubai, madali bumili Ng gamit nga mga bahay, dito talaga you think twice. Saka Pwede di ka malinya sa existing career you, pero for a start, pwede naman, then pagkaya mag upgrade Ng credentials, it might help. Mga mga finance manager sa ibang country na Uber driver, may mga teacher sa pinas na nasa restaurant ganun. Basta marangal work saka may sahod ok, as stepping stone.

In short Madaming mga advantages saka disadvantages ang Canada, depende talaga sa priorities  you saka purpose of migration. We are doing this for our future for someone like me with mixed marriage and syempre sa anak namin. Now we have a country na pwede namin tawagin mag Asawa. Buti nalang pwede pa kami mag stay sa Dubai for another 2years Basta ma meet namin 2 yrs cummulative stay sa Canada to renew PR.

Gaya ng sabi ko, after 3 weeks sa Canada, babalik na ako ng DUBAI and see you soon Canada, our new home.

Ps. I don’t mean to discourage anyone moving to Canada, just be realistic, be ready for an Adventure 🙂

-Lioba

May katanungan kaba pano makapunta sa Canada? Join kana dito sa FB GROUP  na to! Or kung nasa Canada kana at naghahanap ng matatambayan, join kana sa group ng mga Pinoy sa Canada.

#Pinoycanada Tambayan

About Guest Contributor

If you are interested in contributing a guest article, send email @ admin@pinoy-canada.com or Contact us on our FB Page

Check Also

Pinoy Temporary Worker Passed Away, Family Seeking Help

Claire de Guzman left her family in the Philippines and moved to Canada in the hopes …