Ako si Rico, Isa akong Nurse sa Pilipinas.
Aaminin ko at alam naman ng lahat.
Sapat lang ang kita sa ganitong propesyon
Kaya naman nung may pagkakataon makapag-Canada, sunggab agad.
To make the story short, nakarating din naman ako.
Gaya ng karamihan, homesick ang #1 ka kalaban ng bawat nangingibang bayan.
Pero gaya ng nasusulat sa John 3:16, Sacrifice is the perfect example of love.
Bagong kasal lang kami, pero para sa kinabukasan
dalawang taon lang naman at pwede na daw akong mag-PR
Hindi ko pala nasabi, hindi na ako Nurse sa Canada.
Inilihim ko sa lahat di dahil sa kinakahiya ko, ayaw ko lang dagdag pa sa isipin nila.
Ang alam nila, sa isang malaking ospital ako.
Ang totoo sa pigerry ako.
Ang alam nila, madami akong pasyente,
Ang totoo, mga piglets un.
Ang alam nila, Team Lead na ako,
Ang totoo, baboy lang naman sumusunod sakin.
Isa lang ang mga yan sa mga kasinungalian ko.
Para sakin, ang mahalaga, nakakapagpadala.
Nakakapagtustos, at nakakapagtabi din naman kahit papaano.
Malayo sa isang siyudad ang piggery na to.
Madalas mag-isa lang, may maghapon ni wala akong nakitang tao.
Gusto kong umiyak, kaso mas malakas ang iyak ng mga biik.
Noverpower yata nila ako.
Gusto ko ng kausap, kaso oink oink lang naman laging sagot nila. Hay buhay!
Gusto ko sana silang iclose, kaso mag-iiwan naman mga yan after 3 months.
Lumipas ang isang taon, unti-unti naman nakakaipon.
Malayos sa siyudad, malayo sa gastos.
Kaya naman, sabi ko sa asawa ko,
Bat di nalang kaya kami magnegosyo?
Agad-agad naman syang sumagot ng oo, sige! Iba pa din sa Pilipinas.
Malamig dyan, baka hindi ko kayanin.
Kaya naman pinadala ko lahat, pampagawa ng piggery at puhunan
Isang malamig na umaga, sabay patak ng snow flakes, winter na naman.
Tumawag ang mahal kong asawa, buntis na daw ung inahin.
Magpadala daw ako ng extra para hindi magamit ung puhunan sa mga biik.
Kailangan daw, hiwalay ang budget
Nakatanggap ako ng message mula sa ka-batch at sabi
“Pre, congratulations! Tatay kana”
Ako naman, tuwang-tuwa. Akala ko nagbibro lang sya
Akala ko naman, ung mga inahing baboy ung nanganak.
Hanggang sa magpadala sya ng picture, nasa hospital.
Asawa ko nga, kasabay ng asawa nya sa delivery room.
Gumuho ang aking mundo mga Papa. Hindi ko maramdam ang -50 kahit walang jacket.
Bakit ganun? Nagtiis ako sa lamig, pero bakit sya ang nanlamig?
Kelan pa naging mas malamig ang pilipinas kesa sa Canada? Kelan?
Kabayaran ba to ng aking pagsisinungaling?
Sabi nya, buntis ang isang inahin, un pala sya na
Sabi nya, malapit ng manganak ung inahin, un pala sya na
Ano pong maipapayo nyo mga papa?