Thursday , March 23 2023
Home / Immigrant Story / Immigrant Story: Hiling ng isang ina, masayang memories para sa mga Anak

Immigrant Story: Hiling ng isang ina, masayang memories para sa mga Anak

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

Ako po si Nicki. Noong taong 2014, masasabi kong masaya at kumpleto ang buhay ko. Namumuhay ako ng payapa at masaya kasama ang aking mapagmahal na asawa at dalawang magagandang anak na sina Leeia and Kaylee dito sa Canada. Masaya ako bilang asawa at ina sa kanila. Sila ang buhay ko. Pagdating naman sa trabaho, biniyayaan ako ng magandang trabaho kung saan masaya ako. Laking pasasalamat ko dahil pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng tao sa mundo… noon.

Noong taon rin na iyon, nakatanggap ako ng balitang hindi ko inaasahan. Nadiagnose ako ng Stage 3B Cervical Cancer at 29 taong gulang pa lamang ako. Hindi ko hinayaang masira at mawasak ang mga pangarap ko kaya nilakasan ko ang aking loob at sumailalim ako sa maraming chemotherapy sessions at radiation therapy sessions. Dahil gusto ko talagang gumaling at determinado akong mabuhay ng matagal para sa aking pamilya, sumailalim rin ako sa Pelvic Exenteration surgery kung saan tinanggal ang ilang mga reproductive organs ko kasama ang lymph nodes sa pelvis area. Matapos ang surgery I was in remission. Sobra sobra ang pagaasam ko sa paggaling at mabuhay ng normal para maranasan kong muling makasama ang aking pamilya. Noong mga panahong iyon, hindi na ako makabalik ng trabaho dahil sa lagi akong nasa ospital pero masaya pa rin ako at umaasang gumaling.

Bago matapos ang taong 2017, isang balita na naman ang yumanig sa mundo ko. Sabi ng mga doctor, bumalik daw ang cancer ko at kumalat na sa aking baga. Parang pinagbagsakan ako ng langit nang marinig ko ang balita. Hindi na daw ako gagaling. Isinaayos na ang lahat para sa ipasok ako sa palliative care. Kumbaga, tutulunga na lang nila akong maibsan ang mga sintomas, sakit at stress dahil sa aking malubhang kalagayan.

Binigyan na rin ng taning ang aking buhay. Isang taon na lang daw ang itatagal ko. Sa pagkakataon na iyon, hindi ko na naisip ang sarili ko. Naisip ko na lang na 5 at 7 taong gulang pa lamang ang mga anak ko. Maiiwan ko sila at ang aking mahal na asawa. Kung kaya’t napagdesisyunan kong gawin ang lahat para mabuhay ng lubusan hangga’t kaya ko kasama sila. Gusto kong gumawa ng maraming masasayang ala-ala na maari nilang balikan kahit wala na ako. Kaya, humihiling po ako sa inyo, mula sa inyong bukal na mga puso, sana po matulungan ninyo ako.

Mahilig akong magtravel. May mga lugar na gusto kong marating kasama ang mag-aama ko pero dahil hindi ako makapagtrabaho at marami kaming kagastusan dahil sa aking kalagayan, hindi naming kayang magtravel pa. Nais ko po sanang makarating sa San Francisco kasama ang aking pamilya, isa ito sa mga paborito kong lugar sa mundo at andon rin po ang aking ama na hindi na makapagbiyahe. Gusto kong maisakay sa Disney cruise ang dalawa kong anak na babae at makita ko silang maging mga bata lang na walang pakialam sa mundo kahit pa maging fairy princesses sila ng isang linggo.

Kung maari rin lang, nais ko pong bumalik sa Pilipinas para makita ang aking mga mahal sa buhay doon at makapagpaalam.

Kung ano man ang natitira pa sa aming ipon, nais ko rin sanang magsimula ng education fund para sa mga anak ko at funeral funds para hindi sila gaanong mahirapan pag pumanaw na ako.

Alam kong kulang na ang panahon. Sa ngayon, laking pasasalamat ko sa araw-araw na binibigay sa akin ng Panginoon para makasama ko ang aking mga mahal sa buhay. Masaya rin ako sa mga tulong at suporta na ibinibigay sa akin ng aking pamilya at mga kaibigan. Dahil sa kanila, mas pinipilit kong lubusin ang mga natitirang sandali ng aking buhay.

Anuman ang maging resulta ng GoFundMe campaign na ito, sigurado akong makakatulong ito para makagawa kami ng aking pamilya ng mga ala-alang hindi nila malilimutan. Maraming salamat nagawa ninyong basahin ang aking mensahe. Nagpapasalamt rin ako sa kung anumang maiitulong ninyo sa akin sa pamamagitan ng campaign na ito. Pagpalain sana kayo ng Panginoon.

Lubhang nagpapasalamat,

Nicki

Click this link to send your donation or GoFundMe

Alternatively, please what the video below

Hiling ng Isang Ina

Hiling ng isang ina – Nakakaiyak! Isa na naman true to life story. And sana matulungan natin sya. Pakinggan po ang kanyang story at paki-share narin. Maraming Salamat po! Alternatively, please read her story herehttps://pinoy-canada.com/immigrant-story-hiling-ng-isang-ina-masayang-memories-para-sa-mga-anak/

Posted by Filipino Portal on Friday, February 9, 2018

ENGLISH or Original Translation:

My name is Nicki. In 2014 my life was perfect, I was married to my soul mate Lee, and Mother to my two beautiful daughters Leeia and Kaylee, they are the loves of my life. I was also working at a job I loved and my life was blessed.

That same year, we were all shocked and devastated when I was diagnosed with Stage 3B cervical cancer, I was 29 years old. I had numerous cycles of chemotherapy, radiation therapy, and finally, in an effort to rid myself of this cancer forever, I had pelvic exenteration surgery, I was determined to be there as my girls grew up. After the surgery I was in remission, hopeful for the future and able to enjoy my life once again. Even though I could not return to work as there were many hospitalizations for complications, life was good.

In December 2017 my family and I were shocked and devastated by the news that my cancer has returned and it has metastasized to my lungs. There is no cure. Palliative care is now being arranged for me. My girls are now 5 and 7 years old. I have been told that I have less than a year to live and I want to make it the greatest – I want to make memories with my husband and children.

I love to travel – there are some special places I would like to visit with my daughters and my husband – but with being off work all of this time, and so many uncovered medical expenses I cannot afford it. So I am here and asking for your help.

My wish is to travel to San Francisco (one of my favorite cities in the world – it’s where my father lives and he is unable to travel to us). I want to take the girls on a week Disney cruise so they can just be children, fairy princesses without a care in the world. If possible, I would like to return to my birthplace, the Philippines and see all the family I have there.

My other wish is to seek treatments through a Naturopath Physician, but this is beyond what I can afford now. I hope this treatment would provide me the physical strength to live each day to the fullest.

With any remaining funds I wish to ease the financial burden for my family – set up an education fund for my girls and help with the funeral expenses when I pass away.

I wake up each day and give thanks to God for my family and friends and the support I receive and I am living each day like it is my last. Time is running out, and I would like to travel while I still feel well enough. I want to make these memories for my husband and my girls.
I am so very grateful that you took the time to read this and I thank you from the bottom of my heart for your generosity.

With heartfelt gratitude,
Nicki

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

About Jonats Miguel

Social Media Influencer | Vlogger | Editor

Check Also

Former Pinay Caregiver, Now a Well-known Fashion Designer in Canada

50-year-old Pinay fashion designer, Genette Mujar is now getting recognized in Canada. Genette is the …