Home / Immigrant Stories / Immigrant Story: Mahalin ang Trabaho, Hindi Katrabaho

Immigrant Story: Mahalin ang Trabaho, Hindi Katrabaho


Malamig sa Canada, mag-ingat ka.
Baka matukso ka sa apoy
Yan ang pabirong tukso ng aking asawa bago ko pa naman lisahin ang pilipinas.
Sa isip ko, hindi ako tulad ng ibang babae
na kahit may pamilya na, patol ng patol kahit kanino
Para sakin, Kung talagang mahal mo ang asawa mo,
hinding-hindi mo magagawang magtaksil

Kahit na magkalayo pa kayoSa isang gasoline station ako nagtratrabaho, isang kahera sa convenience store
Malayo sa siyudad, Malayo sa iniisip mong mukha ng Canada
Libre naman ang housing, Parang nasa Pilipinas nga din
70% pinoy ang TFW, kasama na dun si Bong.

Si Bong, na isa din TFW.
isang gasoline boy naman. Parehas kaming night shift
sabay kaming kumain, parehas din kami ng tinutuluyan

Nung una, isang kababayan lang ang turing ko sa kanya.
Hanggang sa parang nahuhulog na ang loob ko,

hanggang sa magkaroon kami ng lihim na relasyon.
Relasyong humantong narin sa kama.
Sinubukan kong pigilan, pero bawat halik at yakap nya nadadala nya ako sa rurok ng kaligayan.
Alam kong bawal ang lahat ng mga to,
di ko ba alam at parang nawawala na kami sa aming sarili  lalo kung dadalawa na kami sa apartment.
Siguro dahil narin sa lamig ng panahon, at kailangan mo ng mayayakap.
dahil narin parehas kaming naghahanap ng mapaglilibangan naghahanap ng makakasama sa gitna ng pangungulila.
Tatlong taon ang nakalipas, naging PR na ako. Pwede ko ng kunin ang mga pamilya ko.
Sya naman, hindi na nag-apply. Tatapusin lang daw ang kontrata nya
Nakiusap sya sakin, kung maaari wag daw muna namin wakasan ang aming relasyon.
Desidido na talaga ako, mahal ko ang aking pamilya. Ewan ko ba, sa isang halik nya
Nablanko na naman kami. Hanggang isang taon pa ang lumipas at magtatapos na ang kontrata nya.Dumating na nga ang oras at saktong naman naman lumabas ang bagong batas

Sabi nya, Di na daw epektibo ang 4in,4out sa mga TFW
Mag-eextend daw sya, sabay sabi kung pwede din kami mag-extend.
Di ako agad nakasagot. Approved na ang papeles ng aking mga pamily.
Mahal na mahal ko sila, pero pag sumasagi sa isip ko

ang mga sandaling nakaw naming ginagawa, naguguluhan pa din ako.

Mga papa, dala-dala ko sa konsensya ko ang lahat. Aaminin ko ba sa aking asawa o mananatili nalang at dadalhin ko nalang habang buhay?

SPONSORED: Buy your ticket now!

About Admin

Check Also

Immigrant Story: Nasaan ang Hustisya sa Canada?

Ako si Rene, bunso sa apat na magkakapatid. Lumaki akong OFW sa America ang aking mga …