Read Part 1: Ang pakulo ng Kapalaran
Pagdating ko sa Canada wala akong inisip sa araw araw kung hindi ang magkasama sama kami balang araw. Mabait ang naging amo ako. Ilang araw palang ako, ipinasok na ako sa driving school.
Kailangan ko daw matutong mag drive. Ganun sa Canada, hindi kagaya sa Pilipinas na marami kang pagpipilian. Bus at LRT lang ang mga choices at malayuan ang mga lugar. Hangang sa nakapasa ako sa driving test. Pagkapasa ko ibinila nila ako ng sasakyan. Kahit second hand lang binili nila sakin parang bagong bago pa.
Tuwang tuwa kong ibinalita sa aking anak at mga magulang ang katayuan ko sa Canada. Nakapag patayo kami ng maliit na bahay at napalitan ko ang maliit na lupa na naibenta ng aking mga magulang sa unang apply ko.
Mabilis na lumipas ang dalawang taon. Tinlungan ako ng boss ko na mag ayos ng mga papel. Noong una, ayaw ng anak at mga magulang ko na pumunta ng Canada. Gusto ng anak ko na umuwi nalang daw ako at balang araw siya nalang daw ang magtratrabaho. Sabi ko sakanya na batang bata pa siya para magtrabaho. Iniba nya ang usapan, ayaw daw nyang iwan ang mga alagang isda doon sa aquarium. Ganun din ang aking tatay, hindi nya daw maiwanan ang kanyang mga alagang baka. Sinabi ko sakanila na ihatid nalang ang aking anak at magbakasyon kahit ilang buwan lang, Pumayag naman sila.
Noong araw ng pag alis nila, hindi natuloy ang kanilang flight dahil masama ang panahon. Noon ko naramdaman na may bumulong sakin na para bang wag nalang silang tutuloy. Parang bigla akong kinabahan. Naisip ko na excitement lang siguro yun. Kaya ikinabit balikat ko nalang. Tumawag ako sa kanila at sinabi ko na mag iingat sila at magdasal.
Nakarating sila sa Canada ng ligtas. Hindi ko maipaliwanag ang aking saya pero kahit sobrang saya ko patuloy ang pagkabog ng aking dibdib. Pagkalabas namin ng airport, dahan dahan ako sa aking pagmamaneho. Parang may nakikita akong naka ambang na panganib. Pinagpapawisan ako kahit malamig ang panahon. Patuloy ang pagkabog ng aking dibdib.
Habang nagmamaneho ako, masayang masaya silang nagkukwentuhan sa likod abang pinagmamasdan ang dinadaanan namin. Pinilit kong kalmahain ang aking sarili, pero habang nilalabanan ko ang pagkabog ng dibdib ko lalo itong naninikip. Hangang sa mawalan ako ng malay.
Nagising nalang ako sa hospital. Masakit ang buo kong katawan. Pinilit kong ibuka ang aking bibig pero wala akong lakas para makapag salita. Ilaw lang ang aking nakikita at maputing dingding ng hospital, wala akong naririnig kundi ang tunog ng life support. Noong mga panahon na yun, hindi agad sumagi sa aking isip ang mga pangyayari bakit ako nasa hospital. Pinilit kong makahanap man lang ng mga clue. Hangang sa nakarating ako sa huling eksena bago ako mawalan ng malay. Naiyak ako sa aking naalala. Gusto kong sumigaw ng pagkalakas lakas pero parang nasa panaginip lang ako. Sana nga panaginip lang. Sana nga panaginip nalang ang lahat. Pero hindi, kitang kita ko ang ilaw ng life support at naamoy ko ang amoy ng hospital.
Parang napakatagal ng oras at panahon . Lumipas ang araw at ilang buwan.
Nakita ko ang aking mga magulang sa likod ng pintuhan na may salamin. Umiiyak ang aking itay at humahagulgol ang aking inay, habang kausap ang doctor na iiling iling. Pagpasok ng doctor sa aking kwarto mababakas mo sa mukha niya ang kalungkutan. Kalungkutan na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. Hinawakan niya ang aking balikat, kinagat ang kanyang mga labi, sa kanyang mga mata nakita ko ang aking anak, ang ala ala ko sakanya noong tatlong taon pa lamang siya. Nkita ang pag gapang niya at unang mga hakbang. Nakita ko kung paano niya pilit ihakbang ang knyang mga paa. Natauhan lang ako noong sinabi ng doctor sakin na wag daw ako mabibigla: “Your son is gone, I am sorry”.
Watch the full video here
https://www.facebook.com/filipinoportal/videos/2017787244915001/