Wednesday , March 22 2023
Home / Immigrant Story / Isang Kahon Pawis (Balikbayan Box)

Isang Kahon Pawis (Balikbayan Box)

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share
bb_ll
Zaydee Galvez in the box

Katanghalian tapat may humintong Cargo Truck sa tapat ng bahay namin… Nagtingin din ang mga tambay sa paligid.. mga chismosang kapitbahay “Iba Talaga Mayaman!”….. at ang mga maiingay na tahol ng mga aso… Dali-daling binaba ng mamang naka-uniporme ang isang malaking kahon na may nakasulat na “Fragile”… Kasunod ng pagpirma ng may-ari bilang katunayan na nakuha na nya ang padala ng kanilang kamag-anak sa ibang bansa…

Akala ko pa naman sa amin na! haaay…. kailan kaya namin mararanasan ang makatanggap ng padalang kahon mula sa ibang bansa? Nakakatuwa siguro at nakaka-excite kung ikaw mismo ang magtatanggal ng tape na nakadikit at magbubukas sa kahong padala sa inyo.

Taon-taon ganyan ang eksena sa tapat ng bahay namin, lalo na sa tuwing magpapasko… Minsan nakakainggit… kaya madalas nangangarap ako na isang araw, sa aming pintuan naman ibababa ang kahon na galing sa ibang bansa… Nakakadurog ng puso, dahil sa kahirapan sa Pilipinas, tanging ang mga may magandang trabaho sa ibang bansa at may-kaya lang ang nakaka-experience ng ganun. Lalo na sa tuwing makikita mo ang Nanay mo na nakasilip at pinapanood ang mga ganung tagpo sa kabilang bahay. Yung kitang-kita mo sa mata nya na kahit hindi nya ibuka ang bibig nya maririnig mo yung sinasabi ng puso nya na “Kailan? Kailan kaya namin Mararanasan ang ganyan?”

Kinabukasan, inaabot ng kapitbahay namin ang isang supot ng tsokolate na galing sa ibang bansa, nag-aagaw-agawan pa kaming magkakapatid… Yan ang isa ang mga laman ng kahong pinadala sa kanila.. Siguro sari-sari ang nasa loob nun noh? may mga sapatos, damit, laruan at kung anu-ano pa. Maaamoy mo din siguro sa ora-mismong pagbukas mo sa kahon ang amoy ng Bansang pinanggalingan nito.

Kaya naman ng dumating ang pagkakataong ako’y makapagtrabaho sa ibang bansa, sinikap kong maranasan din ng pamilya ko ang tila tagpong yun sa tapat ng aming bahay. Gusto ko maramdaman nila yung saya at excitement kung paano ba makatanggap ng isang kahon na galing sa ibang bansa.

Makaraan ang isang taon, matapos makaluwag-luwag ng kaunti sa hirap ng buhay at pinagkakautangan, sinikap kong punuin ang isang malaking kahon na aking ipapadala sa pilipinas. Ngunit, hindi pala ganoon kadali…. Magastos pala… Pero hindi mapapantayan ng kahit ano man ang saya at experience ng mga mahal ko sa pilipinas sa ora mismo na matanggap nila ito.

Sa tuwing dadaan ako sa mall, inaabangan ko ang SALE or PROMO, dahil sa pamamagitan nito mas makakatipd ako ng husto. Mga murang damit, sapatos, groceries na Twin Pack, tulad ng sabon, tooth paste, lotion at kung anu-ano pa na alam kong makakamura ako. Dahil hindi pala biro ang mag-puno ng isang balik-bayan box. Malaking halaga din pala ang kailangan, lalo na sa tulad ko na may iba pang gastos dito sa ibang bansa. Syempre kakain ka din, bibili ng ibang gamit mo na kailangan sa loob ng isang buwan at siempre magbabayad ka din ng inuupahan mong bahay dahil hindi naman lahat ng nagta-trabaho sa ibang bansa ay may libreng accomodation.

Lista dito.. lista doon.. check dito.. check doon… Alin pa kaya ang nakalimutan kong bilhin? kumpleto na kaya? yan yung madalas na tinatanong ko, kasi sayang yung space! sabay silip sa kahon na halos kalahati nalang mapupuno na. Isip-isip… sabay tingin sa kumot na nakasalansan sa higaan ko.. Gotcha! yung mga hindi ko na kailangan or yung pwede pa iuwi sa pinas ay ipapadala ko din. Basta mapuno lang ang kahon na aking ipapadala. Salansan ng maayos.. Lagay ng tape sa bawat takip ng lotion at shampoo.. alis sa kahon ng mga sapatos.. paikot ng damit sa mga mababasag na items… kailangan walang space!

Dumating na ang araw na hinihintay ko… Putok na putok ang kahon! ahahaha! ang bigat-bigat! nakakahiya sa bubuhat paibaba ng building na tinitirahan ko. Baka akalain Bigas ang laman neto ah.. Kay bigat! hindi nila alam pati office chair nilagay ko sa loob! ahahhaha!

Makalipas ang isang buwan… nakatanggap ako ng message mula kay bunso..” Kuya nandito na yung Box!” dali-dali akong tumawag sa bahay. Ang ingay nila! nagkakagulo ang mga buset… Pinasa ni Bunso ang telepono kay Mama sabay sabi “Anak Salamat sa padala mo.. ayan nag-agaw-agawan na mga kapatid mo sa chocolate.. yung sapatos sa isang kapatid mo nagkasya.. Akala ko sa kapit-bahay natin yun e!” sabay tawa….

” E yung pangkulay sa buhok mo Mama nakita mo ba?” Halos maiyak ako sa tuwa sa tono ng boses ni Mama na halatang masayang-masaya. Sa wakas, sa halos tatlong buwan na pagtitipid ko upang mapuno ang balik-bayan box, sa wakas naranasan na din nila kung ano ang pakiramdam ng tumanggap ng isang balik-bayan box… sa susunod ulit…. 🙂

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

About Keeno Sy

Check Also

Former Pinay Caregiver, Now a Well-known Fashion Designer in Canada

50-year-old Pinay fashion designer, Genette Mujar is now getting recognized in Canada. Genette is the …