Wednesday , June 29 2022
Home / Miscellaneous / Nais Ko Lang

Nais Ko Lang

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

Clouds-Best-Wallpaper-Photos-Desktop
Madalas kong itanong sa sarili ko kung saan ba patungo ang buhay ko. Isang OFW ako. Malungkot at madalas ay “homesick” para sa pamilya. Madalas din maging abusado sa haba ng oras ng trabaho ko ang mga boss ko kaya mas masaklap sa pakiramdam. Hindi ka na nga bayad ng tama, sagad pa sa kaibuturan mo ang pagod. Pagod na pagod na ako. Hindi lang katawang lupa ko ang pagod. Maging kaluluwa ko man ay naghahanap ng pahinga.

Nagpupumilit ang utak ko na maunawaan ang dahilan kung bakit ba kinailangan ko pa mangibang-bansa at malayo sa pamilya ko. At sa pagtatanong ko, natagpuan ko din ang sagot. Yun nga lang, ang sagot ay nagbukas pa sa mas madaming katanungan na humihingi rin ng oras para mas maunawaan. Pang habang-buhay pala ang pagtatanong at pagtuklas ko sa sistemang ginagalawan. At hindi lamang pang personal ang problema at suliranin ko. Isa pala itong usapang prinsipyo at pulitika. Lahat pala ng problemang personal natin ay pinaguugatan ng problemang pulitikal. Wala ng iba pang dahilan.

Sa buhay pala, hindi ka pwedeng tatanga-tanga. Bawal nga daw ang bobo. Lugi ka. Pero paano kung pinanganak ka palang mangmang o di kaya’y ipinanganak ka talagang may diperensya sa pag-iisip. Paano ka ngayon? Sino ang magaasikaso sayo kung lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang suliranin? Paano kang mabubuhay at paano mong bubuhayin ang sarili mo? Paano kaya?

Sabi nila, “Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang.” ‘Yun na yata ang sagot na hinihintay ko sa mga katanungan ng maharot kong isipan. Kung may pakialam lang tayo sa isa’t isa, hindi naman tayo mahihirapan ng sobra-sobra. Ang problema natin sa panahong ito ay naguunahan tayong makarating sa tuktok ng tagumpay. Lahat tayo naghihikahos para magkapera o magkaroon ng magandang karera. Nakalimutan na natin ang kapwa natin. Nakalimutan natin na may problema din tayo na masasagutan lamang kung tayo ay magsasama-sama.

May nakapagsabi sakin na wala naman ako magagawa para mabago ang sistema. Kaya mabuhay na lang ako ng tahimik at gawin ang trabaho ko ng tahimik. Magpasalamat daw ako na buhay ako. Sa totoo lang, tama naman ang sinabi ng kaibigan ko. Buhay pa naman ako. Ngunit sa kabilang banda, nagtatalo pa rin ang prinsipyo dahil nais ko pa din na mabuhay ako ng ganap at kasiya-siya. Nais ko yun para sa pamilya ko. Nais ko yun para sa kapwa ko.

Kung alam natin na may paraan o pagasa para mabuhay ng may kalidad, bakit hindi natin hingin? Bakit hindi natin hingin ang karapatan natin para mabuhay ng mapayapa? Hindi ba katawa-tawa na naghahabulan lang tayo? Yung tipong niloloko ka na nga ng sistema tapos kinikilig ka pa sa tuwa? Porke ba nakaangat na ng konti eh “good bye” kapwa ka na. Nakakahiya. Nakakatakot din isipin na magkakawatak-watak ang Pilipino kasi mahilig magsoplaan ng prinsipyo. Sa halip magtulungan, naghatakan pa pababa. Asal talangka!

Para saan pa ba ang buhay kung para sa sarili mo lang ang ikinabubuhay mo? Anong klaseng buhay ang buhay mo kung magisa kang malungkot o magisa kang masaya? Is that even possible?

Ewan ko lang kung saan patungo ang buhay ko o ito mang isinusulat ko ngayon. Ang nais ko lang naman ay isang magandang pagbabago. Nais kong maging maganda ang kinabukasan ng anak ko. Nais kong maging masaya. Nais kong mabuhay

 

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

About Hessed Torres

Woman. Colored. Migrant. Empowered. Canada

Check Also

Pinay Hero-Nanny in Toronto Saved Children from Car Accident, Asking for help!

This is bold. And this is coloured Jillian Mendoza, a caregiver, was pushing two boys, aged …