Home / Uncategorized / OFW Story: Gadget

OFW Story: Gadget

By Aris Natividad

Kung may gadgets lang makakapagbalik ng nakaraan, bibilhin ko
maibalik ko lang ang kahapong aking nasayang!

Ako si Paolo, anak ng OFW
Construction Worker lang ang tatay ko
Kaya si mama nagbaroad at namasukang kasambahay
Sobrang mahal na mahal kami ni mama
Kaya nagsasakripsyo sya para lang matustusan
ang pag-aaral naming magkakapatid
Lahat binigay nya samin
Halos wala na natitira sa kanya
May maipadala lang samin

Ma, salamat po sa padala mo
Nakabili na ako ng bagong cellphone, android
Makakapag-internet na ako dito
Palagi na kitang makakachat sa FB
Promise, Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko

Wow ang sweet naman ng anak ko, salamat!
I love you anak, I love you too ma!

Pero nagbago ang lahat
mula ng matuto akong magCOC
game aps sa CP kung saan naadik ako ng todo

dati gusto ko lang maglibang
Pero di nagtagal, halos hindi na ako nakakatulog
Upgrade dito, upgrade yan
attack dito, attach doon
Gusto ko, ako ung pinakamagaling sa CLAN namin
Gusto ko, ako ung pinakamataas ang level at TH
Pag natalo ako sa clan war, mainit ang ulo ko

Nawalan narin ako ng time sa girlfriend ko
HIndi ko na sya narereplyan sa text
Hindi ko narin nasasagot ang tawag nya
Dahil ayaw kong maistorbo ang paglalaro ko ng COC
Kaya hiniwalayan nya ako

pati si papa, hindi ko narin nasusunod ang mga utos nya
Kaya si Mama, tumawag sakin at pinagalitan ako
Anak, ano bang nangyayari sayo?
Bakit hindi kana pumapasok sa school?
Di ko pinupulot ang pera dito.

Mag-aral ka ngang mabuti
Kung alam ko lang na magkakaganyan ka sa cellhpone
Sana hindi nalang kita binigyan ng pambili mo ng cellphone
Sa sobrang inis ko, nasagot ko sya at binabaan ko ng tawag

Mula noon, hindi ko na sinasagot ang mga tawag.
dahil nagtatampo ako at ayaw kong mastorbo

Lumipas ang isang buwan
Hindi ko parin sya pinapansin
Hanggang isang gabi,
nakatanggap ako ng 8 miscalls mula sa kanya
pero hindi ko pa din pinansin
Dahil umiiral ang pride ko

Kinabukasan, nakatanggap kami ng tawag mula sa agency ni mama
PATAY na daw si Mama
Hindi nakayanan ang pambubuobog ng amo nya
Isang balitang gumimbal samin
Natulala ako at hindi makapaniwala
Habang umiiyak ako, may mga nagtext sakin

Paolo, napanood mo ba ung video ng nanay mo?
Agad kong napaisip kung ano un
Pao buksan mo ang FB mo bilis
Kaya dali-dali binuksan ko ang FB ko
Napanood ko ang video ni mama, nananawagan

Humihingi sya ng tulong, umiiyak at puro pasa ang mukha
Habang pinapanood ko un, nadurog ang akin puso
Ang sakit-sakit sa dibdib

Nakita ko, may message sakin sa FB si mama
Anak sagutin mo naman ang tawag ko
Gusto kitang makausap
Tulungan mo ako, humingi ka ng tulong sa kinauukulan
Papatayin ako ng amo ko dito
Share mo sa iba ung video ko para mapanood ng iba ang panawagan ko

Pagkatapos kong mabasa un, halos mabaliw ako
Wala man lang akong nagawa
Hindi ko man lang sya natulungan
Lahat ng tawag nya at message, hindi ko pinansin
Mas inuna ko pa ung pride ko at maglaro ng COC

Wala na si mama, wala na sya
Kasalanan ko ang lahat
Naiinis ako sa sarili ko
Hindi ko na maibabalik ang kahapon
Sobrang sakin, nawala na sakin ang girlfriend ko
Pati ang kaisa-isa kong nanay
na sobrang mahal na mahal ko,
Sorry ma! Patawad po ma, mahal na mahal kita
Hindng-hindi kita makakalimutan

 

About Admin

Check Also

Uber coming to more Canadian Cities

UPDATES: Ride-sharing services like Uber and Lyft approved by City Council, their services will begin on …