Wednesday , May 31 2023
Home / LIVE / OPINION: True or False – Ang Buhay sa Canada

OPINION: True or False – Ang Buhay sa Canada

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

May mga bagay na nakaimpluwensya sa akin kaya ako nag migrate sa Canada. Isa na dito ang magandang buhay, libre ang edukasyon sa mga anak at libre ang magpagamot. Ngunit, may mga bagay at sitwasyon na akin din ikinagulat nun ako ay nandito na. Narito ang ilan sa mga katotohanan ng “Buhay sa Canada.”

  1. Sa Canada, libre ang magpaaral sa mga bata.

True! Libre mula grade school hanggang high school. Pero hindi libre ang mga activities tulad ng Swimming, Field trips, Music etc. At babawian ka sa mahal ng tuition fees sa Universities kaya dapat bata pa lang sila ay nag-iipon na.

  1. Sa Canada, madali bumili ng mga sasakyan at bahay.

False! Ang tamang konsepto, Sa Canada, madali UMUTANG ng sasakyan at bahay. Kung kayang hulug hulugan, bakit naman hindi?

  1. Sa Canada, may sahod ang mga nanganganak sa loob ng isang taon.

False. Inde lahat. Kailangan may naipon muna na “Working Hours” bago magkaron ng maternity leave allowance. Pag wala naipon, wala din bayad o allowance. Pero pwede naman paternity leave, kaya lang mas malaki ang mawawala, percentage lang kasi ng sahod mo ang makukuha.

  1. Sa Canada, may allowance ang mga bata, 1month – 18 years old.

True! Pero Depende sa income ng magulang kun gaano kalaki ang allowance ng bata. At kun meron naman, pambayad sa mga activities nila sa school. O ilagay sa College fund nila kasi sobrang mahal talaga kun ayaw mo naman iconsider ang Student Loan para sa mga anak. Hindi rin naman maganda isipin na nag aaral pa lang sila may utang na kaagad.

  1. Sa Canada, libre magpagamot.

False. Inde lahat ng lugar sa Canada libre ang magpagamot tulad na lamang sa British Columbia.  Sa ibang lugar naman na libre ang magpagamot, kailangan mo pumila o kumuha ng appointment bago matingnan ng doctor. Pero kun sanay ka sa VIP treatment sa St. Lukes sa Pinas, mahihirapan ka magadjust sa sistema dito. Sanayan lang naman.

  1. Sa Canada, ang mga matatanda ay nagkakaron ng pension.

False! May bago batas ngayon na ang mga  nagtrabaho lamang sa loob ng sampung taon o mahigit pa ang nagkakaron ng pension kapag nagretiro. Pag hindi nagtrabaho wala din matatanggap hindi tulad dati.

  1. Sa Canada, pwede ang dual to triple jobs.

True! Pero Sa Canada, ang akala ng iba pag madaming trabaho masipag, minsan pag maraming trabaho ay madaming utang. Kaya kun wala utang pwede isa lang ang trabaho. Tamang pagbubudget dapat ang buhay dito.

  1. Sa Canada, malaki ang tax!

True! Madami nagrereklamo tungkol jan. Pero kapag nakukumpara ko sa Pinas ang tax system dito, mas di hamak na ok naman dito kasi mararamdaman na may kinapupuntahan naman.

  1. Sa Canada, pantay pantay ang lahat, walang mayaman at mahirap.

True! Nagkakahalubilo kasi lahat at bihira ang mga VIP treatment sa isang lugar. At saka, ang $100 Steak ay pareho mabibili ng mahirap at mayaman dito. Ang pagkakaiba lang, ilang oras na trabaho ang bubunuin ng low income earner yun $100. Pero kun ipapasok sa budget, pwede naman.

  1. Sa Canada, pag dating sa trabaho basta masipag lang may nilaga naman.

True! Sa mga labor o regular jobs,  Di kailangan ng padrino. Recommendation or referral lang pwede na (Hindi po ito palakasan system tulad ng Pinas). Pero sa mga managerial positions, minsan tinitingnan pa din ang kulay. Hindi mawawala yan.

  1. Sa Canada, kaya mo bilhin ang mga bagay na gusto mo.

False! Pero kaya mo utangin lahat ng mga bagay na gusto mo. Ingat lang kasi madami nalulubog sa utang. Tamang pagbubudget pa din ang kailangan.

  1. Sa Canada, masagana ang buhay.

True! May choice ka dito. Kun gusto mo ng simple o grande na buhay. Nasasayo yan.

Gayunpaman, minahal ko na ang buhay ko dito sa bansang Canada. Mahirap ngunit Masarap! Kayo po, anu anu po ang mga inakala nyo na buhay dito sa Canada?

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

About Tita Zali

Writer, Self Publisher, Healthcare Worker, A wife and a mother of 2 boys, Architect and Educator by Profession

Check Also

Winter is Coming: Canada Provinces Prepare for A Cold December

Following the theme of crazy things to happen in 2020, The Canadian Farmers’ Almanac has …