I made a Tagalog and English version for this blog. It is easier to describe the experiences in Tagalog so I just included images or photos to express it in English version below. As a Filipino, here are some simple things I am thankful about living or migrating in Canada:
TAGALOG VERSION
Namimiss ko ang Pinas dahil sa ang aking pamilya, dating trabaho at mga kaibigan. Ngunit pinili ko na manirahan at magtrabaho dito dahil sa hirap ng buhay doon at sa pakiramdam na mabagal ang pag-asenso. Pero hindi madali ang magsimula sa ibang lugar lalo na kun professional ka sa iyong bansang sinilangan at hindi sa bayan na iyong pupuntahan. Ngunit habang ako ay nahihirapan magsimula mamuhay dito, narito ang mga bagay na nagpapalakas ng loob sa akin at aking ipinagpapasalamat sa pag migrate sa Canada.
1.Salamat Canada, at hindi na ko sumasabit sa Jeep kapag nagcocommute.
Commuter ako sa Pinas, lalo na pag rush hour at gusto na makauwi kaagad, kahit punuan sumasabit na lamang ako sa jeep. Sa Canada, dahil kailangan ang sasakyan, naranasan ko magkaron ng Ford. Sa atin, mahirap makabili ng brand new na sasakyan, hanggang tingin na lang ako sa showroom noon.
2. Salamat Canada, at hindi ko na naranasan ang 2 oras araw araw na walang kuryente o brownout.
Lumaki ako sa lugar na may oras ang kuryente, buti na lang dito hindi uso ang brownout.
3. Salamat Canada at hindi na ako nag-iigib ng tubig araw araw.
Sa amin, pag walang kuryente, wala din tubig. Kaya kapag walang ipon na tubig sa mga timba, kailangan mag-igib sa kalapit na poso. May poso pa din sa Maynila.
4. Salamat Canada, at hindi na ako naglalakad sa Baha.
Yun nga lang, Sa Snow na lang ako naglalakad. Mahirap din.
5. Salamat Canada at wala ng palakasan ng Videoke sa kalye o sa kapitbahay lalo na kun fiyesta.
Minsan lang nakakabingi ang katahimikan dito sa aking apartment sa Canada.
6. Salamat Canada, at hindi ko na nararanasan ang mala sardinas na sitwasyon sa MRT at bus.
Kaya pag may naririnig ako na nagrereklamo sa loob ng bus dito sa Canada dahil masikip na daw, sa loob loob ko, maluwag pa ito, subukan nyo kaya sa Pinas.
7. Salamat Canada, naranasan ko na may bathtub at shower sa apartment.
Lumaki ako sa tabo at timba. Sa hotel lang ako nakakaranas ng bathtub at shower pag may libreng convention sa aking propesyon.
8. Salamat Canada at natuto ako maging mapagkumbaba at magtipid dito.
Dahil hindi ko makuha ang propesyon ko dito, kinailangan ko na hindi mamili ng trabaho. Kun anu ang available pinasok ko at kinalimutan ang educ background ko sa Pinas. Ngunit nakaipon ako at nakapagbalikbayan. At kay sarap malanghap ang sariling bayan ng may konting ipon galing ng Canada.
“Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka’t ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.” – 1Thessalonians 5:18
Kayo anu ang pinagpapasalamat nyo sa pagpunta sa Canada? Share na..
ENGLISH VERSION
I miss the Philippines because of my family, work, and friends. But because I felt that my hard earned money in the Philippines is not enough to have a decent life there I chose to live and work in Canada. A friend of mine went to visit Canada and took bus tours to east coast, when they told me about it I thought it might be a good change. However, it is not easy to start a new life here especially if my professional experiences in my field are not immediately counted in Canada. It means I have to upgrade, do lots of hard work, and invest lots of money to be in a regulated job here. But while I am having a hard time reaching my professional goals, there are things I am thankful for living here.
1. Thank you, Canada, because I no longer experience to hang on a jeepney railing while commuting.
Image from Google – Sabit sa Jeep – @hobamphotography
2. Thank you, Canada, because I no longer experience the rotating 2-hour brownout in the house.
Image from Google – Rotating Brownout – Inquirer.net
3. Thank you, Canada, because I am not fetching water anymore for bathing.
Image from Google- Nagiigib ng tubig – James Reid
4. Thank you, Canada, because I no longer walk in the flood when going to work when it’s raining.
Image from Google-Naglalakad sa baha- reefphilippines
5. Thank you, Canada, because I don’t hear the loud songs coming from Videokes in the streets or from the houses of my neighbors.
Image from Google-Videoketime – Jowapao
6. Thank you, Canada, because I no longer feel the rush hour sardines packed MRT or buses.
Image from Google-Sardines packed – inquirer.nwt
7. Thank you, Canada, because there are a bathtub and shower in my apartment. A shower and bath that I can use any time I like. The shower has custom shower doors so there is no flooding or water spillage and it also looks great. It’s much easier to use and more practical than the pail and dipper I use in the Philippines.
Photo from Google
8. Thank you, Canada because I learned how to be tough and how to save. It was really awesome to come back to the Philippines for a vacation. I had a chance to see the paradise Philippines can offer because of the hard earned money I saved from Canada.
Amanpulo Luxury Resort, Pamalican Island, Palawan, Philippines
“Be thankful in all circumstances, for this is God’s will for you who belong to Christ Jesus.” – 1Thessalonians 5:18
What are the things you are thankful for living in Canada? Share it below!