It’s almost a year since I went to Canada, just like many Filipinos, and may I say that in that span of time, I’ve already had my equal share of encounters with my fellow kababayans. We all had wonderful and different stories to share when we were starting a new life in Canada, but the one thing that called my attention the most is their story on how they dealt with the need to temporarily stay in a house that is not theirs. Some actually built a stronger relationship more than ever but others unfortunately succumbed to conflict and went the other way.
So, in order to avoid possible further conflicts, here are some tips for the householder and the house-“border” authored by Loreto Jimenez
Sa NAKIKITIRA:
-Tanawin ng malaking utang na loob sa pamilyang tinitirahan. Ito ay malaking bagay kung tayo ay nagsisimula.
-Huwag maselan sa mga bagay bagay. Kung ano ang nasa hapag kainan, kain lang sapagkat wala namang lason ito Kung bibili ka ng pagkain, pwedeng paki share naman at huwag itatago at ipagmamaramot sa nagpatira sa iyo.
-Kung may mapansin ka mang di maganda sa nagpapatira, sarilinin na lang at huwag i tsismis.
-Matutong mag tipid, kasi mahal din ang tubig, kuryente at gas at ito ay dagdag gastos sa nagpapatira.
-Huwag mong ituring na bisita ka o senyorito o senyorita, sapagkat hindi ka nakabasyon, dapat makibagay at matutong tumulong sa gawaing bahay.
-Huwag magtago sa kwarto, dapat matutong makihalubilo sa kasambahay.
-Matutong sumakay ng bus upang di umasa na hatid sundo ka ng nagpapatira Hindi mo sila driver
– Isiping maige ang sasabihin bago magbitiw ng salita ng maiwasn ang samaan ng loob.
– Hnaggat maari, makitira hanggang 3 buwan sa aking palagay, sapat para makahanap ng trabaho. Kung makakakuha agad ng maasyos na trabaho, huwag nang hintayin na umabot pa sa 3 buwan na nakikitira. (Ang 3 buwan ay sa aking pananaw lamang.)
Sa NAGPAPATIRA:
– Kung magpapatira, siguraduhing ito ay bukal sa kalooban ng buong pamilya, hindi ng iisang tao lamang ang nagdesisyon.
– Huwag mag maramot, lalo na sa pagkain.
– Kung may house rule, ipaalam agad sa nakikitira.
– Huwag mahiyang sabihin sa nakikitira kung kailangan mo ng kanilang tulong at turuan sa gawaing bahay kung kinakailangan.
– Ipakilala sa mga kaibigan, makakatulong sa paghahanap ng trabaho.
– Turuan ng pasikot sikot sa paligid, lalo na ang transportasyon.
– Iwasang makasakit ng damdamin, sapagkat ang mga nakikitira ay maramdamin sa dahilang sila ay dumadaan sa adjustment period. Iba ang buhay sa Pinas kaysa dito.
– Suportahan upang makaadjust agad.
– Huwag isisi sa nakikitira kung malaki ang gastos, ito ay kaakibat ng pagpapatira.
– Kung may mapansin ka mang hindi maganda sa nakikitira, sarilinin mo na lang at huwag i tsismis.
Ito ay payong kaibigan lamang at kung may maidadagdag pa kayo ay mas mainam…..AND WE LIVE HAPPILY TOGETHER…
English translation can be read here
Meanwhile, join our FB groups here for those Filipinos Living in Canada. Buyers and Sellers are welcome to join!
#PinoyCanada – Calgary
#PinoyCanada – Edmonton
#PinoyCanada-Ontario
#PinoyCanada-British Columbia
#PinoyCanada-Tambayan(Allcities)