#Biography
Evangeline Laxa Ocampo Mance, 51 yrs old. Everybody calls me Vangie and my family calls me Gigi. I graduated with a Bachelor of Science in Medical Technology, at the University of Santo Tomas. I worked as a Medical Technologist at Philippine Orthopaedic, Philam Care at International Rice Research Institute. I came to Winnipeg, Manitoba on June 1, 1993 under Family Class Program.
Malaki ang pasasalamat ko sa Auntie ko na si Lilia Sarmiento at sa kanyang mister na si Rufino Sarmiento dahil sila ang naging daan para ako ay makarating dito sa Canada na magpasa hanggang ngayon ay tinatanaw kong utang na loob sa kanila. Noong early 1992 nasorpresa ako dahil may dumating na lang sa akin na letter of sponsorship galing sa auntie ko dito sa Canada. Sa umpisa ay hindi ako interesado na makarating dito, ngunit sa kagustuhan ng mga magulang ko lalung-lalu na ang tatay ko, ginawa ko pa rin ang mga dapat kong gawin at kumpletuhin ang mga kailangang papeles upang masiyahan sila pati na rin ang mga auntie kong naririto sa Canada. Mabilis ang mga naging proseso ng aking application ng hindi ko namamalayan. Sa napakadaling panahon, ako ay tinawagan para isang interview na may kinalaman dito sa aking application. Tumawag ako sa auntie ko dito sa Canada at ganoon na lamang ang kanilang tuwa. Pinayuhan nila ako na pag-aralang mabuti ang facts about Manitoba. Dahil hindi ako interesadong makarating dito binalewala ko ang payong ako ay mag review.
#TheInterview
February 1993 ang naging schedule ko sa interview sa Canadian embassy.
During the interview, narito ang ilan sa mga tanong sa akin:
Interviewer: “What do you know about Manitoba”?, ang sagot ko, “I dont know anything about Manitoba except the fact that the weather is very cold.”
Interviewer: “Why do you want to immigrate to Manitoba?” ang sagot ko. “It is because my parents wanted me to go so I can sponsor them in the future.
Interviewer: “When do you plan to leave for Manitoba? ang sagot ko, “I don’t really want to leave the Philippines”
Noon ding oras na yon, akoy nagulat dahil kinamayan ako ng interviewing officer at ang sabi sa akin “Congratulations you are approved to immigrate.” Right at that moment, they stamped my passport with a visa they advised me to book my flight anytime soon. Ako ay nagulat dahil hindi ko akalaing papasa ako sa interview dahil halos lahat ng sagot ko ay nagpakita ng wala akong interest. After the interview, tumawag ako sa auntie ko dito sa Manitoba at binalita ko na pumasa na ako sa interview. Lubos ang kanilang tuwa at sinabi sa aking pwede na raw akong magbook ng flight anytime.
#BlessingInDisguise
Sa kabila ng aking kawalan ng interest sa pagpunta rito sa Canada at isawalang bahala ang interview, ako ay pinalad pa ring makarating. Ganun pa man ang pagkaka settle ko dito sa Canada ay hindi ko pinagsisihan, sa katunayan pa nga ay aking lubos na pinasasalamatan dahil dito sa Canada ko natagpuan at nakamit ang mga pingarap ko sa buhay. Dito ko nakilala si Mar Mance noong 1993 at kami ay bumuo ng isang pamilya at nagkaroon ng tatlong mababait na mga anak na sa ngayon ay mga teenagers na.
Ang gusto ko lamang ishare sa mga nag-aapply, huwag lamang kayong mainip sa pagdating ng approval ng inyong application dahil ako’y naniniwala na kung ang isang bagay ay nakatakda para sa iyo, ito’y ay darating in God’s time.
#Why Canada
Sa totoo lang hindi ko talaga pinangarap na makarating sa Canada. Ang dream kong marating noon ay makarating sa America. After ng aking graduation sa university, sobra ang aking naging excitement dahil ang naging regalo ko sa aking Auntie Nila (kapatid ng nanay ko) ay trip to Disneyland in California. February 1986, umalis ako patungong America. Nagustuhan ko ang lugar, kaya sinabihan ako ng mga kamag-anak ko sa US na huwag na kong bumalik sa Pilipinas at ihahanap nila ako ng trabaho. Dahilan nga sa pangarap ko ito, madali nila akong napapayag. Handa na sana akong mag TNT ngunit ang tiyahin kong nagregalo ng trip sa akin ay hindi pumayag kaya pinilit nya akong umuwi pagkaraan ng ilang buwan.
#EarlyLifeinCanada:
Noong dumating ako dito hindi ko alam na hindi ko pala magagamit ang aking profession. I kept on applying for the jobs that I was qualified for but there was no luck because all of them was looking for local experience and local licence. Although this was my low point during those times I did not give up and continued on applying for jobs that are at least close to my educational background and experience. A friend of mine suggested I volunteer at medical labs and x-ray clinics. Luckily I found one and started right away. Although it was good for my volunteering experience, I also had some not so good experience in the process. I was pregnant with my first child and there are times when I was not in good shape which occasionally made me absent from volunteering responsibilities. The owner was not too happy when I missed coming to work. Even on my non-working days each time one of her staff was absent she would call me to fill in although I was just a volunteer and not getting paid. In short I was also taken advantage of since I was still new and did not know my rights. But in spite of this, I am also thankful because my experience in the lab helped me get hired at Health Sciences Centre as a laboratory technician.
Four years later I was offered a job at the Victoria Hospital for which it suits my schedule because my kids were very young at the time. Since I was working in the evening at Victoria Hospital I decided to find some extra work and found a job at Lakewood Medical Centre as Lab Technologist where my American licence in medical technology was recognized. I grew in this position to become the laboratory manager. Because of my past experience as a new immigrant looking for work, each time I meet a fellow Filipino with the same profession as me, I helped them by giving the opportunity to volunteer in the lab I managed so they could get some local working experience. Day shift opportunity came at the Victoria Hospital and was offered to me. I accepted the offer and made the decision to quit my lab manager job at the clinic. At the Victoria Hospital I was given the supervisory position and was given the chance to be in the hiring position. This gave me the power to help by hiring my kababayan’s who were medical technologist in the Philippines get some local experience. Because all of the Filipinos I hired were very capable and hardworking, I built a good relationship with the management. Up to the present, the lab technicians there are all of Filipino descent. In 2011 I had some form of work-related injury which my family doctor did not allow me to go back to work. Although I don’t work there anymore, each time that they are in need of lab technicians they still phone and ask me if I know anyone looking for work because up to the present I can stilll make recommendations.
#Careers
Q. Ano ung first job nyo?
A. I worked as a Nursing Assistant at Holy Family Nursing Home
Q. Nagdouble job din ba kayo?
A. Yes, nag double job ako. Nagwork ako sa nursing home at sa A & W before I worked in the lab.
Q. Nakailang jobs kayo since dumating kayo dito?
A. To enumerate naka lima. Nursing Home, A&W, HSC, Lakewood Medical, and Victoria Hospital.
Q. Kelan/Ano po ung lowest point nyo dito sa Canada?
A. Hindi ako dumating sa point na down na down, pero nagkaroon din ako ng feeling ng self-pity each time na ako ay manganganak dahil wala dito ang immediate family ko at feeling ko ay merong kulang dahil wala dito ang mga magulang ko at mga kapatid during those times.
#BusinessInterest
Q. Bakit po Salon ang napili nyong iput up?
A. Kahit sa pilipinas pa, mahilig akong nagpupunta ng salon kasi gusto ko laging ayos ang buhok ko at regular akong nagpapamanicure at pedicure. Matagal ko ng gustong magkaroon ng salon, ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon.
Q. San po kayo nagpapagupit dati? At sino pinapagaya nyo?
A. Dati akong regular na pumupunta sa Dimples. Wala akong pinapagayang style, ang pinapagawa ko ay ang gusto ko na sa palagay ko ay bagay sa akin.
Q. San po located and business nyo at san makikita mga offers?
Evangeline’s Hair F/X, 838 Ellice Ave. Winnipeg, Manitoba. 204-691-8637, makikita nyo din ang offers sa facebook page.
Q. Ano po ung first na investment nyo?
A. Stock holder ako ng isa sa malaking hospital sa Pilipinas noon at hanggang ngayon.
Q. Ilan na bahay nyo dito ate?
A. Isa lang ang bahay namin at ito ang aming principal residence for the last 20 years pero may mga properties kami na may return on investment, isa na rito kung saan matatagpuan ang Evangeline’s Hair F/X salon.
Q. Ano pa ung pangarap nyo na di pa natutupad?
A. Simple tao lang ako at simple rin lang ang pangarap ko sa buhay. Lahat ng mga ito ay natupad na. Outside of my family, pangarap kong magkaroon tayo ng sariling Life of Peg Community Centre, na mayroong gyms at recreation centre para dito na tayo palagi magtitipon-tipon at magpapa sports fest. Naniniwala ako na ito ay hindi imposibleng matupad basta lahat ay magtutulungan at magkakaisa para sa ikabubuti ng lahat sa magandang layunin ng grupo upang matulungan natin ang marami nating kababayan.
#Personal Life
Vangie said she was blessed to have 3 respectable and loving kids, Marc (19), Jasper (17), and Casey (16). They were all born here in Winnipeg.
Q. Marunong pa ba silang magtalog?
A. Kaunti lang ang alam na tagalog ng mga anak ko. Kapag kinausap namin sila ng tagalog eh sumasagot sila ng english. Noong nasa elementary pa sila, ni register ko sila sa tagalog class pero hindi sila nagtagal at umayaw dahil and feeling yata nila ay nose-bleed.
Q. Ano ang salita nyo sa bahay?
A. Tagalog at English kami sa bahay. Pure tagalog kami ni Mar subalit may halong english kapag kausap ang mga anak namin dahil may mga tagalog na minsan hindi nila naiintindihan.
Q. Pano mo tinuturo ang mga Filipino values?
A. Simula sa pagkabata ng mga anak namin tinuruan namin silang magmano sa amin at sa mga nakatatanda. Tuwing linggo eh buong pamilya kami kung magsimba. Ngayon na mga teenagers na sila kahit hindi kami kumpleto nagsisimba sila. Pagtawag ng “ate” at “kuya’ ay napraktis din nila. Naturuan din namin silang gumalang sa mga nakatatanda.
Q. Ano mas magandang values, pagpapalo sa anak (Pinoy style) or Canadian style?
A. Medyo mahirap dumisiplina ng Canadian style dahil ang tinuturo sa school eh hindi mo pwedeng dampian kahit kaunti ang mga bata. Alam din ng mga bata dito ang kanilang rights oras na nakatikim ng palo sa magulang. Hindi lang naman pamamalo ang paraan para madisiplina ang mga bata. Ang kailangan habang maliliit pa lang sila eh matutuhan na nila kung paano ang magbigay respeto sa mga magulang at magpahalaga ng ating values.
#PublicImage
Kung gusto mo ng Free, hanapin mo si Ate Vangie. hihi Biro lang po pero madalas syang magbigay ng Free sa mga kabayan natin. Free advise, free consultation at mga free items narin. Narito ung mga ibang free items ng mga newcomers sa Canada.
Maraming nagtatanong sa akin bakit lagi akong nagbibigay sa mga dumarating kahit hindi ko pa sila kakilala. Noong ako ang bagong dating dito, ang mga Pinoy na katrabaho ko sa Holy Family ay nagsisipagbigay sa akin katulad ng mga uniforms, runners, coats, jackets at kung anu ano pa, may gamit na at may bago pa. Sa tuwing makikita nila ako sa trabaho, parati nila akong sinasabihan na, “sabay tayong maglunch, dami akong dalang pagkain,” Kahit hindi nila ako masyadong kakilala, nagbibigay sila at damang-dama ko na nasa puso nila ang pagtulong sa akin. Base dito sa aking magandang karanasan noong ako ang bagong dating dito, nagiging masaya ako kapag nakakapagbigay sa ating mga kababayan na bagong dating din. Kung ano ang pagbibigay na ginawa nila sa akin noon ganun din ang ginagawa ko sa ngayon kasi noong ako ang bagong dating ay naramdaman ko na walang nagdamot sa akin at nagbigay agad sila sa akin ng tiwala. Nagbibigay ako kahit maliit na bagay sa abot ng aking makakaya para makatulong sa mga bagong dating na nag-uumpisa. Para sa akin ito ay materyal na bagay lang naman pero malaking bagay at tulong para sa isang pamilya na nag-uumpisa.
Maraming humihingi sa akin ng advise at kumukunsulta sa maraming bagay. Para sa mga nag aapply na kumukunsulta sa akin, ang masasabi ko lang kahit kailan hindi ako nagbibigay ng negative advise at discouragement. Kahit pa alam ko na ang status ng kanilang application ay medyo malabong pumasa ay pinalalakas ko pa rin ang kanilang loob at binibigyan ko sila ng pag-asa na makakarating sila dito. Sa mga parating na humihingi ng advise sa akin, kailangan ninyong tanggapin na kayo pagdating dito ay mag-uumpisang muli. Ibaba natin ang pride at huwag mag expect kaagad na makukuha ang mga trabahong kaparis ng iniwan ninyo sa Pilipinas para huwag ma dissappoint. Sa pagsusumikap, pag-aaral at patuloy na paghahanap ng nais na trabaho, ito ay darating din sa inyo.
#PublicServant
Sya ang nanalong Ms. Universe este President ng “Life of Peg Association of Manitoba”
I am the current president of Life of Peg Association of Manitoba, Inc. (LPAM) and the University of Santo Tomas Alumni Association Inc. (USTAAMI).
Q. Ano ung biggest challenge as LPAM President?
A. The biggest challenge as LPAM president are some of the people’s doubts on some of the things that I do inspite of the fact that my intentions are in good faith.
Q. Ano ung mga benefits ng joining the Association?
1. Bayanihan sa mga LPAM members na naglilipat ng tirahan.
2. Bursaries para sa mga under process ang accreditation at mga bumalik sa school to upgrade their skills, including member’s dependents currently starting university
3.Bags of groceries sa mga bagong dating
4. Discounts from LPAM members with businesses on their services
5. Free income tax preparation for LPAM members who came in 2014.
6. Chance to participate in our sports fest
Mga natulungan ng Association:
Bayanihan pictures inserts
Q. Define Success:
Success is the positive results of sacrifices and hard work
Q. San nyo po balak mag-stay after retirement?
Dito pa rin kami magstay during retirement pero pagdating ng winter pupunta lang kami sa lugar na hindi napakalamig. Open ang option namin dito. Kasama rin ang Pilipinas sa aming plano dahil meron pa kaming bahay sa Pilipinas na anytime pwedeng uwian. Pinag iisipan pa namin kung san kami makaka acquire ng retirement property para dun kami magstay kapag winter dito at magiging bakasyunan din ng mga anak namin.
Message to all Life of Peg
Gusto ko lang pong ipaala ala sa inyong lahat na huwag po nating kalilimutan at lubos na pasasalamatan ang mga taong tumulong at naging daan sa ating pagkakarating dito sa Canada lalung-lalo na ang mga sponsors natin. Kung anu man pong tagumpay ang ating makamit dito, alalahanin lang po na kung hindi sa ating mga sponsors wala tayo sa ating kinatatayuan sa ngayon.
Maraming salamat sa inyong lahat na nagbibigay ng suporta at tiwala sa akin. Maasahan ninyo na ipagpapatuloy ko po ang maganda nating naumpisahan. I can’t do all these by myself. With your help and cooperation we can make a difference in our community.
Kung anuman ang aking pagkukulang, pagkakamali, at kung minsan ay may nasasabi ako na nakakasakit sa inyo, ipagpatawad po ninyo, hindi po ako perpekto.
Mabuhay ang LIFE OF PEG, GOD BLESS YOU ALL!