Home / Uncategorized / Success Story: Filipina found more success in Winnipeg

Success Story: Filipina found more success in Winnipeg

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

ces3

Biography:

Cecile Beltran, filipina from Cavite, known as Ces, they moved to Winnipeg from the Philippines with her family last October 2012. She was a former Manager way back in the Pinas and also teaching in IT school.

Q. Ano/San po ang work nyo noon?

A. Matagal akong nagturo sa College, almost 14 years. Year 2008 nang magpursue ako ng career sa Industry. Nagwork ako sa Kforce Global Solution in Makati, started as Programmer analyst, hanggang nagging assistant Team Lead after 6 months and nagging Team Lead after 3 years. In my last year, napromote na Project Manager, that was 2012.

During application:

During their application, she joined many FB groups in Winnipeg . One of them is Manitoba BM. She became famous by constantly giving help and sharing whatever she knows.

Q. Sino-sino ung mga ka-batch mo sa Winnipeg?

A. Marami. Baka may makalimutan akong i-mention. to name a few, When Hidalgo, Claire Ocampo, Christian Bartolome, Agnes Almario, Emma Pio, Michelle Mallari, Manuel Saquisame

Q. Bakit masipag kang sumagot sa mga tanong?

A. Marami akong oras. Flexible ang work ko kasi, kaya pagkamedyo nauumay na kong magcode, check din ng FB pag me time. Saka parang ginawa ko na narin ministry. Yong pagshare ng information at way ko na din ng pagtulong sa paraang kaya ko.

Q. Sino sa mga natulungan mo ung pinakatumatak sayo?

A. Naku marami na pero sa dami nila, di ko na masabi ang mga names hehe. Yong iba naman common lang questions, pero me mga ibang nagtatanong na dumarating sa puntong sineshare nila saakin ung sitwasyon nila. Yung iba medyo complicated ang status, so they just trust me and have confidence enough in me to share their problem/status sa tiwala nilang me sagot ako sa tanong nila

Prior to Winnipeg:

Bago pa man dumating sa Winnipeg, nahired na sya 🙂

Q. San at pano ka nag-aapply nun?

A. Before I arrive here in Winnipeg, dapat hired na ako but that was July and I didn’t have my visa yet, it arrived on October so when I got here, apply lang ulit online. Di ko narasanan yung magpunta mismo sa companies and drop off my resume. Sa gabi lang ako nag-aapply habang tulog mga anak ko. Youngest ko kasi is 3 years old at that time kaya need pang bantayan from time to time kaya di ako maka apply sa araw-araw. We arrived on October 16, nahire ako sa isang call center hang Nov 1 and Nov 12, I got hired as computer programmer (hanggang ngayon ditto parin ako sa company ko) kaya nagresign na ko dun sa call center job

Q. Kung hindi ka IT ngayon, ano ang gusto mong pasukan?

A. Gusto kong maging Lawyer

Q. Ano ang mga payo mo sa mga paalis palang?

A. Be ready with what your life will be here. Iwan na kung ano kayo dati. Ako kase, alam kong in demand ang IT ditto. And medyo confident din na magkakawork din ako sa linya ko, it was just a matter if time. Pero sa ibang need pang kumuha ng license or not highly in demand yong work, kelangan maging ready kayo kung anong dadatnan nyo ditto. It’s one thing to say na kaya nyo pero it’s another thing when you’re actually experiencing it. Leap of faith ikaw nga, lahat dumaan sa hirap, kaya kelangan prayer and faith lang sa Lord that everything will be fall into place.

LP was born:

Isa si Ces sa mga masipag magbigay ng kasagutan sa mga nag-aapply/nagtatanong sa mga facebook groups. Nung nasa Winnipeg na sya, naisipan ni Ces na gumawa ng isang group naman na para sa mga nangangailangan at dito na nga isinilang ang Life of Peg.

lpcreate

Q. Bakit “Life of Peg” ang naisip mong pangalan?

A. Dapat kasi Life in Peg yon, peg in short for Winnipeg and nong 2013, nauso ung term na Peg sa net. So sakto narin, kaso taken na yong Life in Peg as GB name, so ginawa ko na lang na Life of Peg, parang katunog ng usong pelikula non na “Life of Pi”

Q. Ano ung naitulong sayo ng group na to?

A. Sa ngayon, mahigit isang taon na sya. Ano-ano kaya ang mga mga pagbabago sa kanila.
Marami akong nakilalang kaibigan ditto and since sa bahay ako nagwowork, nagging outlet ko ang Life of Peg para para kahit paano magkaroon ng social life. Marami akong mga relatives ditto, both from father side and mother side, pero maganda rin ang makakilala pa lalo ng mga bagong kaibigan

Q. Ano ang namimiss mo sa Pilipinas?
A.  Nanay ko

Q. Dumating ba sa time na sinabi mo “Uwi na kami ng Pilipinas”?
A. Nong nagmigrate kami dito, di ko naisip yan, kase yon nga ang goal, maging permanent resident ditto. Kaming mag-asawa, parang naisip naming nap ag mareretire kami saka kami babalik ng Pinas at maiiwan yong mga anak naming with their families pero di narin ganon ang isip naming ngayon, siguro bakasyon nalang

Q. Matatawag mo naba na “Our Home” ang Winnipeg?

A. Yes, kahit na nakarating na kami sa ibang province like alberta at meron din naman kamag-anak don ang Mr. ko, parang mahirap iwan ang Winnipeg kase maayos naman kami ditto, career wise, di man kasing competitive ng sweldo ang Winnipeg sa ibang province, ayos narin. Dito kami nagka Toyota Highlander in our first month, nagkabahay in our first year and nagka jetski in our second year, san kappa. hehe

ces4

Q. Describe winnipeg in 3 words
A. SECOND BEST HOME

Living in Winnipeg:

Q. Most memorable day in Winnipeg so far?

A. So far, most memorable was when my family and I had a photoshoot at the Forks, nafeature kasi ako sa National Post

Winnipeg vs Philippines

Q. Ano ung mga nagagawa mo dito na di mo nagawa sa Pinas?

A. Live comfortably and without worries sa day to day budget 

Q. Ano naman ung nagawa mo sa Pinas na d mo magawa dito?

A. Manood ng sine mag-isa

Tips to Kababayan:

Q. Ano ang sasabihin mo sa mga IT na nagbabalak magmigrate dito?

A. Stay in the IT field, hone your skills and if possible, improve on your communication skills, too… meron akong kakilala, almost 6 months din sa survival job nya, di agad nakapasok ng IT dito kasi medyo di magaling mag-English, pero magaling syang programmer.. anyways, swertihan din naman, di naman lahat din ng kilala kong IT madaling naka work dito sa field, pero majority naman is madaling nakapag transition to IT work… in demand ang IT jobs dito sa Peg kaya kung me plan silang mag-migrate dito sa Canada, nasa Pinas pa lang, i-pursue na nila yong IT career nila.. if I stayed in teaching, medyo mahihirapan akong makapasok as teacher dito at marami pang proseso na pagdadaanan, pero sa IT field, madali lang since walang certification na kelangan

Q. Sa dami ng bansa na indemand ang IT like Singapore at malapit pa sa Pinas, bakit sa Canada?

A. Dito lang kasi yong (permanent resident) immigrant na agad yong visa while the other countries, normally, you apply for work muna and then later on you get your family.. plus, dito, free nga ang education ng mga bata up to high school and free ang health insurance so major reason ko talaga kaya kami nag-migrate is to give our kids a better  and more stable future.

Out of the box:

A. Malaki na si bunso, nagbabalak paba kayo ng Winter Baby?

A. Di na pwede.. quota na kami he he.. but kidding aside, ligated na ako, I had a radical hysterectomy when I had cervical cancer last 2009.. Yes, cancer survivor ako and I will always be in awed and thankful to the Lord and never be ashamed to share it with others kasi yon ang isa sa maraming blessings ko from the Lord.. He never failed to exalt me and deliver me from all the hardships..  We’re truly blessed.

ces2

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

About Admin

Check Also

Good News: Pinay survives Corona virus, free from ventilator

After a grueling battle with COVID-19 that lasted a month in the hospital and a …