Wednesday , March 22 2023
Home / Uncategorized / Maximizing the FREE benefits for new immigrant in Canada

Maximizing the FREE benefits for new immigrant in Canada

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

Oh Kenada, ayan na nga at nakatungtong na sa tinatawag na Winterpeg. Gusto ko lamang ibahagi ang aking mga karanasan noong bago pa ako. Bago pa naman din ako, 5 months palang ako sa araw na to. Sept 11, 2014 – Feb 11, 2015. Bago pa mapanis at makalimutan, ishare ko na.

1. Strong Start Program – StrongStart is a full-time, six-week training program that gives new immigrants age 18 to 30 the employability and life skills needed to get a good job. The program also covers computer skills and workplace communication and culture, and includes a two-week workplace placement.

Heto pa ang lalong nagpaganda dito, meron syang allowance na 10.70/hr without tax. Pinakamahirap na requirement? 18-30 years old. Madaming di pumapasa dito. Malaking bagay to kase 2 months ako na may allowance. Tinuruan kana, binayaran kapa. Ooops! allowance lang pala, di daw sahod 🙂


P
strongstart_3hotos of Batch 3 strong start

Sa ngayon, on going ang Batch 5 & 6, kung interasado ka, punta ka lang sa MB start at magregister
Source: http://manitobastart.com/employment-programs.html

2. Work Start Program – Manitoba Start introduces a new pilot youth program for the 2013 – 2014 year – that will provide participants with 12 weeks (3 months) of practical, hands-on work experience in a high-demand occupation.

Mas wow diba? 3 months tapos actual job agad. 10.70/hr rin to kaso taxable na sya. Since actual job sya, madaming naabsorb narin after training. Gaya ng StrongStart, 18-30 years old lang din. Meron din siguro pang 31 above, kaya lang di ko pa alam. After 5 years aalamin ko 🙂 Di ko pala naexperience to pero ung wifey ko, under sya ng program na to.

Source: http://manitobastart.com/employment-programs.html

3. GST/HST – The GST/HST credit is a tax-free quarterly payment that helps individuals and families with low or modest incomes offset all or part of the GST or HST that they pay.

40 bucks every quarter of the year. Malaking tulong din to. 40 bucks is 40 bucks. No further explanation. hihi

Source: Apply kana http://www.cra-arc.gc.ca/bnfts/gsthst/menu-eng.html

4. Rent Aid – bumukod na kami ng apartment after a month.”Up to $270 per month may be available to eligible Manitobans who are renting or paying room and board in unsubsidized housing” Ayan english yan pero copy & paste lang yan. Dahil wala pa kaming work that time, (di kase consider na work ung strong start, allowance lang) binigyan kami ng 268.6 per month na assistance. Heto ung link sa mga gustong mag-apply

Source: http://www.gov.mb.ca/jec/eia/rentassist/index.html

5. Christmas Cheer Board – program involves making and delivering a hamper to a needy family

Sakto lang dating namin malapit na ang Christmas. Every year naman daw to. Madali lang, isang tawag ka lang at sankatutak na hamper, 2 kahon na groceries at Turkey. Well, depende yan sa dami ng family members, mas madami, mas marami. Ung iba kahit hindi na bago, kumukuha pa din sila yearly pero pakonti ng konti daw. Subukan ko ulit next season. hihi

Source: http://www.christmascheerboard.ca/

6. Winnipeg Harvest 1 – Winnipeg Harvest is a non-profit, community based organization that is a food distribution & training centre.

Di ko naman kailangan to pero mas madali kase magkwento pag naexperience mo talaga. Sabi din kase sa site “our goad is to share surplus food with people who are hungry”, ang lusog ko kaya. hihi Libre din to para sa lahat. Medyo magtitiis ka nga lang ng mga 1-2 hours bago mo makuha ung kahon kahon na pataas, gatas na malapit na mag-expire at tinapay na malapit lapit narin kaya ubusin mo na agad. every 2 weeks naman may supply ka nyan kung gusto mo.

wpgharvers

Kung kailangan mo, visit mo to:  http://winnipegharvest.org/

7. Winnipeg Harvest 2- Training center

Madami silang inooffer na training dito. Syempre ang kwento ko ay ung naexperience ko lang. Nag-aral ako ng “Web Design” for 6weeks for FREE. Tama, lahat po ay free. Un iba, kailangan magvolunteer. Para malaman ang iba pang program, visit the link below

Source: http://winnipegharvest.org/

8. Join FB groups – Malamang graduate kana sa Manitoba BM, join ka naman sa Life of Peg ngayon. Madami din benefits dito. Para sa mga bago, madaming binibigay na used clothes, used furnitures at free services para sa mga lilipat ng bahay. Nauunahan lang ako lagi pag may post na free, kahit ikaw pa unang nagcomment, sasabihin Sold out or taken na. haha just my thought! May iba pang FB grupo din na tumutulong sa mga community, Winnipeg Connect, etc. Ako mga nasa 20 FB groups Winnipeg alone.

9. Sports Activities – mahirap pagpawisan dito kaya kailangan minsan e magpapawis din. Pero kung di ka sporty talaga, magjoin ka pa din. Ako di naman ako magaling magbasketball kase Golf ang laro ko pero nagjoin ako. Syempre bilang bago, magdadagdag ka ng network mo. Bawat team members, tatanungin mo kung san sila nagwowork. Sa players na tinanong ko, meron isang nag-offer ng job opening. Si Kuya Arn Agpaoa kaso may work na ako nun. ihih

mepo

10. Singles for Christ – hindi na ako sumali dito kase di naman ako single. pero may mga kilala lang ako na anjan at nakahanap ng work referred sa mga members. Di ko lang mairecommend kase di ko naman naexperience

11. Discounts/deals – maghanap ka ng mga services or gamit na nakasale. Visit ka sa https://pinoy-canada.com/k-deals – sympre promote ko din, gawang pinoy, galing pinoy. Di lang mavisit ni Pnoy, busy sa iba. Bawal ang KJ. Tama KJ lang, hindi KGG.

logog

12. Kwentong OFW – magbasa ka ng ibat’ ibang kwento ng mga OFW sa Canada. Inspiring stories ba. kaso wala pang laman. Nag-iisa palang, si ate Ces. hihi kaya kung may kwento ka na successful sa Canada, ipasa mo dito.

My first success story: https://pinoy-canada.com/articles/success-story-filipina-found-more-success-in-winnipeg/

Madami pa sigurong benefits na pwedeng makuha sa government at sa community na FREE pero ayan lang muna. Yan lang kase naexperience ko 🙂 Sana nakatulong.

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

About Jonats Miguel

Social Media Influencer | Vlogger | Editor

Check Also

Sample Canadian Resume