Sunday , October 17 2021
Home / Uncategorized / Watch: Pagnanakaw sa Propane Gas ng mag-iisaw na Pinoy, huli sa CCTV

Watch: Pagnanakaw sa Propane Gas ng mag-iisaw na Pinoy, huli sa CCTV

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

pinoy-canada-steals-gas
Imaged supplied by Henry Licardo

Maraming natanggap na ulat ang mga pulis tungkol sa hindi maipaliwanag na pagkawala ng kagamitan sa ilang kabahayan sa North End. Ang hinala ay isang magnanakaw ang naglalagi sa lugar. Ang pinaghihinalaang magnanakaw ay pumapasok sa mga bakuran at garahe upang magnakaw.

Noong nakaraang mga buwan, nahuli sa CCTV sa loob ng bakuran ni Henry Licardo and sinasabing magnanakaw. Panoorin ang video upang makita ang pagnanakaw.


Si Licardo ay isang part-time na mag-iisaw sa Winnipeg. Kung makikita sa video, tanke ng gas ang ninakaw ng suspect. Noong una ay ibinalik ng magnanakaw ang tanke dahil sa ito ay wala nang laman pero parang alam niyang meron pang ibang tanke sa lugar kung kaya’t naghanap pa ito. Sa ibang parte ng bakuran ay nakahanap nga ito ng bagong tanke ng gas at siya nitong ninakaw paalis.

Nanawagan si Licardo sa ibang tao upang maging mapagbatay sa kanilang mga ari-arian upang maiwasan at mahuli ang magnanakaw. Sa katulad ni Licardo, ang tankeng ninakaw ay para sa kanyang hanapbuhay kung kaya’t ganoon na lamang ang kanyang kagustuhang mahuli ang suspect.

Bagaman nawalan siya ng tanke ng gas, tuloy pa rin ang business ni Licardo. Nakabili na siya ng bagong tanke kaya matitikman pa rin ang kanyang masasarap ng isaw. Si Licardo ang may ari ng Henry’s Isaw, kilala sa magwheels na isaw. Para sa mga order ngayong December, heto ang kanyang mga detalye.

henry-licardo-isaw

Ops! Hindi ko pa pala natitikman. Wala bang free taste dyan?

Sa mga nakatikim na, wag kalimutang mag-iwan ng comment sa ibaba!

class="fb-xfbml-parse-ignore">Share

About Admin

pinoy-canada.com/ads - Free Classified Ads pinoy-canada.com/forum - Online Discussions pinoy-canada.com/articles - Immigration & Current Events

Check Also

Test New Post

ANother test